^

Bansa

Lacson: ‘Immunity by insanity’ ‘di puwedeng gamitin ni Miriam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi maaring gamitin ni Sen. Miriam Defensor Santiago bilang depensa ang “immunity by insa­nity” upang hindi makasuhan sa mga paninirang ginagawa nito, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

Umalma na kahapon si Lacson laban kay Santiago isang araw matapos siyang tawaging “Pinky” Lacson ng senadora.

Sinabi ni Lacson na mahilig talaga si Santiago na magbigay ng iba’t ibang uri ng pangalan sa mga nakakabangga niya dahil iniisip umano ng senadora na maaaring malusutan niya ang mga ito sa pag-invoke ng “immunity by insanity”.

Nilinaw ni Lacson na hindi totoo ang nais ipahiwatig ni Santiago na isa siyang bakla.

Inamin ni Lacson na hindi na siya natutuwa sa mga patutsada ni Santiago na nag-umpisa sa usapin ng karagdagang pondo o maintenance and other operating expenses (MOOE) ng mga senador.

 

vuukle comment

INAMIN

LACSON

MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

NILINAW

PANFILO

SANTIAGO

SINABI

UMALMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with