^

Bansa

Totoong Ping ilaladlad ni Miriam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbanta kahapon si Senator Miriam Defensor-Santiago na may papasabugin siya tungkol sa mga kasalanan at seksuwalidad ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

Sa isang panayam sa radyo (Radyo Inquirer 990AM), sinabi ni Santiago na dapat paghandaan ni Lacson ang kanyang mga ibubunyag na maari niyang gawin sa pagbabalik ng sesyon lalo pa’t mayroon siyang ‘parliamentary immunity’.

Tinawag pa niyang “Pinky” Lacson ang senador na magtatapos na ang termino sa Senado.

“Maghanda ka. Dahil mayroon akong parliamentary immunity. Ibubulgar ko lahat ng kasalanan mo. Pati ang sexuality mo,” sabi ni Santiago.

Nagbanta pa si Santiago na idedemanda niya ng libel si Lacson kapag sumagot ito sa kanya lalo pa’t mawawala na ang kanyang parliamentary immunity kapag hindi na ito senador.

Kaugnay nito tinawag ni Lacson na “lunatic idea” ang ipinapahiwatig ni Santiago na isa siyang bading.

Matatandaan na ibinunyag ni Lacson na gi­nagamit ni Santiago ang pondo ng Senado sa pag-renta sa sarili nitong building.

Nangako si Santiago na sasagutin ang lahat ng mga isyu ni Lacson laban sa kanya at ibubunyag din ang mga kasalanan ng senador.

 

vuukle comment

DAHIL

IBUBULGAR

KAUGNAY

LACSON

NAGBANTA

RADYO INQUIRER

SANTIAGO

SENADO

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with