^

Bansa

PUVs na may election ads tatanggalan ng prangkisa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbanta ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kakanselahin nito ang prangkisa ng mga pampasaherong sasakyan tulad ng bus, jeep at AUVs sa Metro Manila at mga lalawigan kapag ang sasakyan ay nakitaan ng election ads ng mga kandidatong lalahok sa nalalapit na May 2013 elections.

Ito ay pinaaala ni LTFRB Chairman Jaime Jacob sa mga bus owners dahil umiiral na sa bansa ang Comelec ban hinggil sa paglalagay ng campaign ads sa mga pampasaherong sasakyan gayundin sa mga terminal.

Sinabi ni Jacob na  bagamat nabigyan na ng abiso ang mga public uti­lity vehicle owners tungkol sa Comelec ban na ito, dapat pa ring matiyak na sinusunod ito ng kanilang mga driver.

Gayunman, niliwanag ni Jacob kung alin bang campaign ads ang bawal mailagay sa mga pampasaherong sasakyan dahil hanggang ngayon ay malabo sa kanila ang batas na ito.

“The only problem we have is that the definition of what campaign ads are is not complete,” pahayag ni Jacob.

 

vuukle comment

CHAIRMAN JAIME JACOB

COMELEC

FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

GAYUNMAN

LAND TRANSPORTATION

METRO MANILA

NAGBANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with