PANOORIN: Marcos, binago ang patakaran sa class suspensions
MANILA, Philippines — Hindi na kailangang sabay-sabay ang suspensyon ng klase sa lahat ng paaralan sa isang lungsod o probinsya sa ilalim ng bagong guidelines na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa ilalim ng Executive Order 130, maaaring magpatuloy ang klase sa mga paaralang ligtas nang pasukan kahit may umiiral na suspension order ang local government.
Pero, kailangan muna ng assessment na nagpapatunay na ligtas ang campus at concurrence o pagsang-ayon ng mayor o governor.
May tatlong batayan sa bagong sistema:
- Automatic suspension dahil sa hazard warnings ng national agencies,
- Localized suspension na idinedeklara ng local chief executive, at
- Granular suspension na maaaring ipatupad ng paaralan kung may panganib sa kanilang lugar.
Nilinaw rin sa kautusan na hindi awtomatikong natitigil ang pag-aaral kapag suspendido ang face-to-face classes. Kailangang magpatuloy ang lessons sa pamamagitan ng alternative learning arrangements kung posible.
May 30 araw ang Department of Education para ilabas ang mas detalyadong guidelines sa pagpapatupad ng bagong sistema.
- Latest

























