^

Bansa

Political asylum sa Syrian president itinanggi ng DFA

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabulaanan kaha­pon ng Department of Fo­reign Affairs (DFA) na posibleng sa Pilipinas lu­lungga ang Pangulo ng Syria matapos na maiulat na humihiling umano siya ng political asylum at tulong pinansyal sa pamahalaan.

Ang paglilinaw ay inihayag ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez matapos na maiulat ang umano’y paglapit at paghingi ng tulong sa Pilipinas ni Syrian Pre­sident Bashar Al-Asad (Assad) na pinatatalsik ng kanyang mga mamamayan dahil sa patuloy na karahasan at patayan sa nasabing bansa.

Sinabi ni Hernandez na bagaman nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan nina Pangulong Aquino at adviser ni Assad na si Bouthaina Shaaban at iba pang opisyales ng DFA ay tinalakay lamang ang mga posibleng solusyong pulitikal sa hindi matapos-tapos na civil war sa Syria sanhi ng pagkasawi na ng libu-libong Syrian kung saan naapektuhan din ang may 7,000 overseas Filipino workers  na isinaila­lim sa mandatory repatriation ng pamahalaan.

Kinumpirma ni Hernandez na may ipinaabot si Asaad na “personal letter” nito para kay Pa­ngulong Aquino pero hindi binanggit ang nilalaman.

Personal namang nag­ pasalamat si P-Noy kay Asad sa pamamagitan ni Shaaban sa kanilang pagpupulong dahil sa ibinibigay na assistance ng Syrian government sa repatriation ng mga Pinoy at sa kanilang kaligtasan habang nagpapatuloy ang bakbakan sa nasabing bansa.

 

vuukle comment

ASSAD

BASHAR AL-ASAD

BOUTHAINA SHAABAN

DEPARTMENT OF FO

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

HERNANDEZ

PANGULONG AQUINO

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with