^

Bansa

Dagdag singil, refund nilinaw ng Meralco

Mer Layson - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagpaliwanag ang Manila Electric Company (Meralco) kung bakit ilang customers nito ang may dagdag-singil at refund sa kanilang kuryente.

Ayon kay Meralco external affairs head Dina Lomotan, may iba’t ibang scenario na maaaring harapin ng kanilang konsyumer, kabilang dito ang mga may matatanggap na refund, may dagdag-singil at ‘yong may zero bill.

Sinabi ni Lomotan na may 122,000 customers lang nila ang nakapasa sa kanilang requirements para sa refund.

Ma­aaring kumuha ng bill deposit refund ang mga nagbabayad sa oras sa loob ng tatlong taon at may tamang halaga ng bill deposit na binayaran sa tuwing magpapakabit ng metro o linya ng kuryente.

Makakatanggap ng sulat mula sa Meralco ang mga naturang kostumer, kung saan nakalagay ang mga proseso ng refund, branch kung saan maaa­ring makuha ang refund at iba pang impormasyon kaugnay nito.

Maaari aniyang ma­kuha ng cash ang may refund na aabot sa P4,000 habang ang refund na mas mataas sa naturang halaga ay makukuha sa pamamagitan ng tseke.

Ang mga mayroon na­mang dagdag singil ay yaong hindi nahi­ngian noon ng bill deposit dahil maaaring sila ay “newly-acquired areas.

vuukle comment

AYON

DINA LOMOTAN

LOMOTAN

MAAARI

MAKAKATANGGAP

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

NAGPALIWANAG

REFUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with