^

Bansa

Pasahero namatay sa CR ng eroplano

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang 86-anyos na Amerikana ang namatay sa loob ng comfort room ng sinasakyang eroplano habang nasa kalagitnaan ng biyahe, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Manila International Airport Authority (MIAA) doctor-on-duty Josefina Tria ang pasahero na si Julia Basquez Bolilan, na lulan ng Philippine Airlines (PAL) flight PR 105 mula San Francisco, California patungong Manila ng mangyari ang insidente.

Ayon sa ulat, nag-collapsed sa loob ng banyo ng eroplano si Bolilan at dito siya natagpuan ng mga kapwa pasahero na nakahandusay.

Sinasabing diabetic at hypertensive patient si Bolilan.

Isang Dr. Rizza Paredes na pasahero rin ang nagsagawa ng cardiopulmonary resuscitation kay Bolilan subalit idineklara rin itong patay bandang 12:30 ng madaling araw ng Sabado.

Sa ginawang pagsusuri ay cardiac arrest ang sanhi ng pagkamatay. Agad namang ipina­alam sa NAIA Terminal 2 clinic ang pagkamatay ng pasahero.

Nabatid na alas 5:48 ng umaga pa ang expected arrival ng eroplano sa NAIA 2.

AMERIKANA

AYON

BOLILAN

DR. RIZZA PAREDES

ISANG

JOSEFINA TRIA

JULIA BASQUEZ BOLILAN

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

PHILIPPINE AIRLINES

SAN FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with