^

Bansa

Gasolina itinaas, diesel ibinaba

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA,Philippines - Nagpatupad ng dagdag-presyo sa gasolina ang mga kumpanya ng langis sa bansa habang bahagyang ibinaba ang presyo ng diesel umpisa kahapon ng madaling araw.

Dakong alas-12:01 ng madaling araw nang ma­nguna sa pagtataas ang Flying V habang dakong alas-6:00 ng umaga nang sabay-sabay na magpatupad ng pagbabago sa presyo ang Filipinas Shell, Petron Corporation, Chevron Philippines, at Phoenix Petroleum at PTT.

Nasa P.95 sentimos kada litro ang itinaas ng mga ito sa presyo ng premium at unleaded gasoline, P.35 sentimos kada litro sa regular na gasolina. 

Nagtapyas naman ang mga kumpanya ng langis ng P.25 kada litro sa presyo ng diesel habang walang paggalaw sa presyo ng kerosene.

Ikinatwiran ng mga kumpanya ng langis ang galawan sa presyo ng naturang mga produkto na kanilang hinahango sa internasyunal na merkado.

vuukle comment

CHEVRON PHILIPPINES

DAKONG

FILIPINAS SHELL

FLYING V

IKINATWIRAN

NAGPATUPAD

NASA P

PETRON CORPORATION

PHOENIX PETROLEUM

PRESYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with