^

Bansa

Takbo ng isip ng mga Pinoy nagbago, ayon sa Palasyo

- Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ipinagmalaki kahapon ng Malacañang sa an­i­bersaryo ng ikalawang taon sa puwesto ni Pa­ngulong Benigno Aquino III na nagbago ang mindset o takbo ng pag-iisip ng mga Pilipino simula nang magpalit ng admi­nistrasyon.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, maituturing na pinakamalaking natamo  ng administrasyon ang pagbabago ng isip ng mga Pilipino dahil ngayon ay mas bukas na ito sa reporma sa pamahalaan.

Sa halip aniya na oppressor ang tingin ng mga mamamayan sa pamahalaan ay naging isang ka-partner. “Mas open na po doon sa mga isinusulong na reporma ng pamahalaan; mas nakikisangkot po ’yung ating mga kababayan hindi lang sa pamamagitan ng internet kundi nakikita po natin ’yung ilang lebel ng pakikisangkot na nagpapakita ng pagbabago. Tinitignan na ang pamahalaan bilang kabalikat at hindi isang mapang-api,” paliwanag niya.

Pero maituturing aniyang “biggest setback” naman ang marami pang dapat pero halos apat na taon na lamang ang natitira sa termino ng Pangulo.

Kasabay din ng pagdiriwang ng ikalawang anibersaryo ng Pangulo sa Malacañang ay ini­lunsad ng Communications Group ng Palasyo ang inaugural timeline sa government website kung saan makikita na ngayon sa official gazette ang bagong banner, inau­gural speech ng Pangulong Aquino at mga nakaraang presidente ng bansa.

Dito umano malalaman kung natupad ang mga sinumpaang tungkulin ng mga nakaraan at kasalukuyang administras­yon.  

vuukle comment

ABIGAIL VALTE

BENIGNO AQUINO

COMMUNICATIONS GROUP

DEPUTY PRESIDENTIAL

MALACA

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PILIPINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with