^

Bansa

Defense team watak-watak na?

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Hindi pa man naibababa ang hatol kay impeached Chief Justice Renato Corona watak-watak na ang defense¬ team nito ayon kay Senator Franklin Drilon.

Ibinunyag kahapon  ni Drilon na mismong si dating Associate Justice Serafin Cuevas, head ng defense team ni Corona ay asar umano sa isa sa mga kasama nilang abogado at nais sana nitong ipa-contempt.

Ayon kay Drilon, noong magsagawa sila ng caucus matapos mag-walkout si Corona noong Martes ay itinuro ni Cuevas ang isa sa mga kasamahan nilang abogado na si Atty. Jose Roy III habang ini-interview sa telebisyon. Sinabi umano ni Cuevas na “ayan, daldal ng daldal¬. I contempt nyo at ikulong ng 10 araw, hindi ako mag o-object”.

Ipinaliwanag ni Drilon na nakasama sa caucus si Cuevas upang linawin na hindi niya alam ang big¬lang pag-alis ni Corona matapos ang mahaba nitong opening¬ statement. Naniniwala si Drilon na wala tala-gang kinalaman si Cuevas at may ibang nagsasabi kay Corona kung ano ang dapat gawin.

 

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE SERAFIN CUEVAS

AYON

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

CUEVAS

DRILON

IBINUNYAG

IPINALIWANAG

JOSE ROY

NANINIWALA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with