^

Bansa

Parusa sa botcha masyadong magaan

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Pinamamadali na ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa mga mambabatas sa Kamara na magpatupad ng batas na maglalapat ng matin­ding parusa sa mga taong mahuhulihan ng hot meat o botcha.

Ayon kay NMIS Director Asis Perez, hanggat nananatiling P1,000 hanggang P10,000 at mula 2 buwan hanggang isang taon ang parusa sa mga tiwaling negosyante na nagbebenta ng hot meat hindi pa rin maglalaho ang mga ito dahil sa mababang uri lamang ng penalty.

Binigyang diin ni Pe­rez na kung maitaas ang multa at hatol sa mga mahuhuling nagbebenta ng hot meat, walang dahilan para patuloy na manamantala ang mga tiwaling negosyante sa kanilang modus operandi.

Samantala, muling nagbabala ang NMIS sa mga tiwaling negos­yante na seryoso ang kanilang ahensiya sa pagpapatupad ng batas kayat kanilang pagmumultahin at kakasuhan ang sinumang mahuhuling nagbebenta ng double dead na karne.

vuukle comment

AYON

BINIGYANG

DIRECTOR ASIS PEREZ

HOT

KAMARA

MEAT

NATIONAL MEAT INSPECTION SERVICE

PINAMAMADALI

SAMANTALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with