Cordoba, binati ng IBP bilang bagong SC Associate Justice
MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pagbati ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) kay Gamaliel A. Cordoba matapos siyang italaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang bagong Associate Justice ng Supreme Court (SC).
Sa kanilang congratulatory message, nagpahayag ng kumpiyansa ang IBP na magagampanan ni Cordoba ang kanyang bagong tungkulin sa paglilingkod sa katarungan at pagpapatupad ng rule of law.
Ang IBP ang official national organization ng mahigit 100,000 Filipino lawyers sa bansa.
Dala/dala ni Cordoba sa SC ang halos 30 taon niyang experience sa legal profession, regulation, at public administration. Nakapasa siya sa Bar examinations noong 1997.
Bago ang kanyang appointment, nagsilbi siyang chairperson ng Commission on Audit (COA), kung saan pinangunahan niya ang mga hakbang para labanan ang korapsyon sa paggamit ng public funds, partikular sa flood control projects.
Naging longest-serving commissioner din siya ng National Telecommunications Commission (NTC), kung saan isinulong niya ang mga pagbabago sa industry regulations at mas mahigpit na consumer protection.
Bago pumasok sa government service, nagtrabaho rin siya bilang tax at corporate lawyer sa private sector.
Sa loob ng kanyang career sa gobyerno, nakapaglingkod siya sa ilalim ng apat na presidential administrations.
Papalitan ni Cordoba si Associate Justice Amy Lazaro-Javier sa Supreme Court.
- Latest

















