Paggalang sa int’l law ipakita sa kilos

Pangulong Marcos sa ASEAN-China Summit
MANILA, Philippines — Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isabuhay ng mga bansa ang kanilang mga pangako na umiwas sa mga hakbang na maaaring magdulot ng tensyon, igalang ang isa’t isa, at palakasin ang praktikal na kooperasyon sa rehiyon.
Ito ang binigyang-diin ng Pangulo matapos pangunahan ang ika-29 na ASEAN-China Summit na dinaluhan ni Chinese Premier Li Qiang.
Sa kanyang opening remarks, iginiit ni Marcos ang kahalagahan ng sama-samang paninindigan ng mga bansa sa paggalang sa international law at sa mapayapang paglutas ng mga sigalot.
“Our shared commitment to international law and peaceful settlement of disputes must be reflected in our actions, including through self-restraint, mutual respect, and practical cooperation,” ani Marcos.
Matatandaang matagal nang may hidwaan ang Pilipinas at China kaugnay ng magkakapatong na pag-aangkin sa ilang bahagi ng South China Sea. Bago ang summit, muling nagkaroon ng palitan ng pahayag ang dalawang bansa kaugnay ng umiiral na sigalot sa pinag-aagawang karagatan.
- Latest


















