^

Bansa

Desisyon sa fare hike sa jeep ipinagpaliban

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Ipinagpaliban ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-aanunsiyo sa desisyon sa pagtataas ng singil sa pasahe sa mga pampasaherong jeep.

Ayon kay LTFRB Chairman Jaime Jacob, sa halip kahapon ay sa darating na araw ng Miyerkoles nila i-aanunsiyo ang desisyon sa fare hike petition na 50 centavos na pagtataas sa minimum fare sa jeep.

Ngayon ay P8 ang minimum na pasahe at nais ng mga transport group na bawiin ang 50 cents para maging P8.50  dahil sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo laluna sa gasoline at diesel.  

Binigyang diin ni Jacob na marami pa silang kinokonsidera sa magiging desisyon sa taas pasahe kayat mi­nabuting sa susunod na linggo na lamang ito iaanunsyo.

Sa Miyerkules din anya ipapalabas ng LTFRB ang desisyon sa hiling na taas na pasahe sa mga provincial at Metro Manila buses sa bansa.

Huli na lamang anyang dedesisyunan ang tungkol sa fare hike petition ng mga taxi na maitaas sa P10 ang flag down rate. Sa ngayon ay P40 ang flag down rate sa taxi.

vuukle comment

AYON

BINIGYANG

CHAIRMAN JAIME JACOB

HULI

IPINAGPALIBAN

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

METRO MANILA

MIYERKOLES

NGAYON

SA MIYERKULES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with