^

Bansa

PNoy, Cojuangco's binatikos uli sa Hacienda Luisita

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Binatikos ni Anakpawis Partylist Rep. Rafael Mariano ang mga Cojuangco-Aquino at mismong si Pangulong Benigno Aquino III bilang pangunahing hadlang kung bakit hindi pa rin maibigay ang mga lupain sa Hacienda Luisita kahit pa may desisyon na ang Korte Suprema.

Sinabi ni Rep. Ma­riano, ang banta ng Hacienda Luisita Inc. (HLI) management na magsasampa ng motion upang hilingin na mag-inhibit si Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa kaso ng Hacienda Lui­sita na dinisisyunan noong nakaraang taon ng Korte Suprema na ipamahagi na sa mga magsasaka.

“Pinatotohanan lang ngayon ng HLI at ng mga Cojuangco-Aquino ang intensyon na magtayo ng isang “Aquino Supreme Court” para makontrol ang Kataas-taasang Korte at mapawalambisa ang desisyon na ipamahagi ang lupa sa mga magsasaka,” sabi ni Ma­riano.

Ayon kay Mariano, hinahayaan lang ni PNoy na harangin ng HLI at ng mga Cojuangco-Aquino ang desisyon ng Korte Suprema na ipamahagi ang lupa.

“Katakut-takot na pe­tisyon, motion ang isinampa ng HLI para i-delay ang pagpapatupad ng desisyon. Bukod dito, tinatakot at hina-harass din ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita,” wika pa ng kongresista.

Matatandaan na no­ong Nobyembre 22, 2011, sa botong 14-0, ipinag-utos ng Korte Suprema na ipamahagi na ang lupain ng Hacienda Lui­sita sa mga orihinal na farmer-beneficiaries at ipawalambisa ang Stock Distribution Option ayon sa 2005 desisyon ng Pre­sidential Agrarian Reform Council (PARC).

Bukas, Enero 20, magsasagawa ng martsa-rali ang mga magsasaka bilang paggunita sa ika-25 taon ng Mendiola Mas­sacre na naganap noong Enero 22, 1987 sa ilalim ng administrasyon ni Cory Aquino.

“Kahit gumagawa ng mga pamamaraan ang HLI at mga kamag-anak ng Pangulo, patuloy na igigiit ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang karapatan nila sa lupa.”

vuukle comment

AGRARIAN REFORM COUNCIL

ANAKPAWIS PARTYLIST REP

AQUINO SUPREME COURT

COJUANGCO-AQUINO

CORY AQUINO

HACIENDA LUI

HACIENDA LUISITA

KORTE SUPREMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with