^

Bansa

Nokia Dual-SIM ang gusto ko ngayong Pasko

-

MANILA, Philippines - Marami ka bang bibigyan ng regalo ngayong Pasko? O kaya, gusto mo ng bagong cell phone na high-tech pero pasok sa budget mo?

Mula sa Nokia, isang magandang ideya panregalo ang mga dual-SIM phone na may modernong disenyo at puno ng practical feature na makakatulong para lagi kang konektado. Ito rin ay mayroong dual-SIM standby capability kaya maari mong magamit nang sabay ang dalawang magkaibang mobile phone account sa iisang device. Piliin mo lamang ang SIM na kailangan mong gamitin kapag ika’y tatawag o magpapadala ng message.

Kung marami kang kaibigan sa iba’t ibang mobile network operator, magugustuhan mo ang Nokia C2-00. Gamit ang makabagong Easy Swap, maari kang magpalit ng SIM card nang hindi kinakailangang patayin ang iyong phone. Buksan lamang ang SIM card slot sa gilid ng phone at ilagay ang ipapalit na SIM card. Ito rin ay nakakaalala ng hanggang 5 SIM card settings na maari mong i-personalize.

Para naman sa mahilig mag-soundtrip, siguradong patok sa iyo ang Nokia X1-01, isang napaka-stylish na dual SIM phone na may MP3 Player at malakas na battery para sa mas matagal na tugtugan at usapan.

Kung ang hanap mo ay simple at walang hassle na komunikasyon, subukan mo ang Nokia 101. Mas maraming kwentuhan at masayang pakikinig sa music ang hatid ng dual SIM phone na ito.

Tiyak na pasok sa style ng mga fashionista ang Nokia C2-03, isang Touch and Type dual SIM phone na may slide feature. Mayroon ding Easy Swap feature tulad ng Nokia C2-00. I-personalize ang limang magkakaibang SIM card ayon sa iyong gusto. Bigyan ito ng sariling pangalan, ringtone at iba pa.

Gawing mas masaya ang Pasko kasama ang Nokia!

vuukle comment

BIGYAN

BUKSAN

EASY SWAP

GAMIT

NOKIA

PASKO

PHONE

SIM

TOUCH AND TYPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with