^

Bansa

Alan, Pia balik Pinas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Alan, Pia balik Pinas
Sens. Alan Peter and Pia Cayetano at the Ninoy Aquino International Airport on the evening of Saturday, Sept. 12, 2026.
Alan Peter Cayetano / Facebook

MANILA, Philippines — Nakabalik na sa bansa noong Sabado sina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at ang kanyang kapatid na si Sen. Pia Cayetano matapos ang kanilang biyahe sa Singapore.

Ipinaalam ng minority leader ang pagbabalik nila sa bansa sa pamamamagitan ng post sa Facebook.

“Through GOD’S grace, we are back! And in the arms of our beloved Pilipinas,” pahayag ni Sen. Alan.

Sa isang post sa Facebook naman noong Biyernes, sinabi ni Senadora Pia Cayetano na matagal nang nakatakda at planado ang kanyang biyahe sa Singapore upang suportahan ang pambansang koponan sa Asia Pacific’s Padel Tour.

Pero hindi niya sinabi kung katulad ng kanyang pagbisita sa Singapore ang biyahe ng kanyang kapatid o kung may iba itong dahilan.

Kinumpirma ng Bureau of Immigration na umalis ng bansa ang dalawang senador noong Miyerkules.

Sinabi naman ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ang biyahe ay “not an issue as of the moment,” at dapat umano ay bigyan si Alan Peter ng “break from the stress caused by issues that he himself created.”

Nagkaroon ng “word war” sina Lacson at Alan Peter kaugnay ng mga umano’y iregularidad sa mga flood control at reclamation project sa Taguig City.

ALAN

PETER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with