^

Bansa

160,000 pamilya naalis sa PPP program ng DSWD

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines -  Umaabot sa 160,000 pamilya ang natanggal sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino program ng Department of Social Welfare and Development dahil sa maling data, pandaraya, multiple entries at hindi pagdalo sa mga community assembly at paglipat sa ibang lugar.

Sa ginanap na National Forum on Conditional Cash Transfer implementation sa Quezon City, sinabi ni DSWD Secretary Dinky Soliman na sa ngayon ay nasa 2.3 milyong pamilya ang nakikinabang sa nasabing programa. Target aniya ng kanilang tanggapan na madagdagan ito ng1.3 milyong pamilya bago matapos ang taong ito. Aabot na sa P 9.6 bilyong pondo ang nailabas ng pamahalaan para sa cash grants.

Matatandaang noong 2008 unang inilunsad ni da­ting Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang condi­tional cash transfer program para makaagapay sa pang araw-araw na pamumuhay ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino.

vuukle comment

AABOT

CONDITIONAL CASH TRANSFER

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

MATATANDAANG

NATIONAL FORUM

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO

PILIPINO

QUEZON CITY

SECRETARY DINKY SOLIMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with