Pondo sa contraceptives pinababantayan
MANILA, Philippines - Umapela si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., sa mga senador na pag-aralang mabuti at bantayan ang ilalaang pondo ng pamahalaan sa Department of Health para tiyaking hindi mapupunta sa pagbili ng contraceptives ang pera ng bayan.
Ginawa ni Bishop Bacani ang pahayag kaugnay sa nalalapit na pagpasa ng Senado sa P1.8 trillion national budget para sa susunod na taon.
Iginiit ni Bishop Bacani na sa halip na condom o anumang uri ng contraceptives na nakakasama sa kalusugan ng tao, mas mabuting ilaaan na lamang ang pondo sa pagpapatayo ng hospital at pagkakaloob ng libreng gamot sa mga mahihirap.
Nauna rito, iminungkahi ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles na gamitin ang pondong ilalaan sa pagbili ng mga condom at iba pang contraceptives pills sa mga biktima ng dengue at mga dukhang walang makain.
- Latest
- Trending