^

Bansa

May mga kaanak sa Norway pinayuhang tumawag sa DFA hotline

- Ni Malou Escudero -

Manila, Philippines - Mismong si deputy presidential spokesperson Abigal Valte ang nagbigay kahapon ng hotline ng Department of Foreign Affairs na 824-4444 upang makatawag ang mga mamamayan na hindi makontak ang kanilang mga kamag-anak o kaibigan sa Norway.

Bagaman at walang naiulat na Pinoy na na­damay sa dalawang insidente ng karahasan sa Norway, sinabi ni Valte na nagulat din ang Malacañang sa nangyari lalo pa’t ang nasabing bansa ang tumatayong 3rd party facilitator sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NDF.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang gob­yerno sa pamilya ng mga nasawi sa dalawang insidente ng karahasan kung saan ang isa ay naganap sa isang youth summer camp kung saan maraming kabataan ang namatay dahil sa pamamaril ng isang nagpanggap na pulis.

Kinokondena rin ng Malacañang ang nasabing karahasan at nakikipag-ugnayan na sila sa DFA upang alamin ang kalagayan ng mga Filipino sa nasabing bansa.

vuukle comment

ABIGAL VALTE

BAGAMAN

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

KINOKONDENA

MALACA

MISMONG

NAGPAABOT

PINOY

VALTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with