^

Bansa

De Lima, igigisa ni Lacson

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na igigisa niya si Department of Justice Secretary Leila de Lima sa sandaling isalang na ito sa makapangyarihang Commission on Appointments dahil hindi kumbinsido ang senador na karapat-dapat sa kaniyang trabaho si de Lima.

Ayon kay Lacson, da­pat ipakita ni de Lima na competent siya para makumbinsi ang mayorya ng mga miyembro ng CA upang makumpirma ang kaniyang nominasyon.

Inaasahan na rin na lilinawin ni Lacson kung bakit mistulang pinag-iinitan siya ni de Lima lalo na noong may warrant of arrest na nakalabas laban sa kaniya.

Sinabi pa ni Lacson na wala naman siyang history ng away ni de Lima pero nagtataka siya kung bakit patuloy siyang pinanggigigilan ng justice secretary.

Balak din ni Lacson na tanungin si de Lima kung bakit mistulang ipinapahiya nito si Pangulong Aquino tungkol sa rekomendasyon ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) na pinamunuan nito sa naganap na madugong hostage taking sa Quirino Grandstand noong Agosto 23.

Lilinawin umano ni Lacson ang naging pahayag ni de Lima na madidismaya ito kung hindi kakatigan ng Pangulo ang naging rekomendasyon ng IIRC na mistulang isang uri ng panggigipit.

vuukle comment

AGOSTO

AYON

BALAK

DEPARTMENT OF JUSTICE SECRETARY LEILA

INAASAHAN

INCIDENT INVESTIGATION AND REVIEW COMMITTEE

LACSON

LIMA

PANGULONG AQUINO

QUIRINO GRANDSTAND

SENATOR PANFILO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with