^

Bansa

Manu-manong transaksiyon sa LTO inayawan

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Ayaw ng mga regional directors ng Land Transportation Office (LTO) na maibalik sa manual ang transaksiyon sa ahensiya.

Ayon kay  LTO Region 5  Director Ramon Roco, Pangulo ng  LTO Regional Directors Association , hindi sila papayag na maibalik sa manual ang transaksiyon sa ahensiya dahil babalik sa dating gawi ang tran­saksiyon sa LTO na lubhang tagal ng pagpoproseso ng rehistro ng mga sasakyan at issuance ng drivers license.

Bukod dito, lalung titindi ang korapsiyon sa ahensiya dahil kapag manual ang operasyon sa LTO, dito papasok ang pagkakaroon ng insidente ng kambal plaka, madaliang mairerehistro ang mga nakaw at smuggled na sasakyan.

Si Roco,  kapatid ni dating senador Raul Roco ay nagsabing umaabot sa 1.2 milyon ang transaksiyon sa LTO kada buwan at kapag bumalik sa manual ang operasyon ng ahensiya, hindi kakayanin na mapabilis ang sistema sa operasyon ng ahensiya sa ganitong karaming transaksiyon.

Binigyang diin ni  Roco na sa loob ng walong taong computerized ang operasyon ng LTO, napahusay ang kanilang level of efficiency at productivity dahil sa pagre-renew pa lamang ng lisensiya, aabutin lamang ito ng wala pang 30 minuto at mabilis din ang transaksiyon sa pagrerehistro ng  sasakyan.

Sinabi ni Roco na ka­pag nawala ang computerization program sa LTO, mahirap sa mga awtoridad na mawakasan ang operasyon ng sindikato ng carnapping at iba pang criminal activities sa transport sector.

Hindi rin umano sagot sa planong pagtitipid ng LTO ang pag-aalis ng computerization program sa ahensiya dahil malaki rin ang naitutulong ng programa sa paglaki ng kita ng LTO.

vuukle comment

AHENSIYA

AYAW

DIRECTOR RAMON ROCO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LTO

RAUL ROCO

REGIONAL DIRECTORS ASSOCIATION

ROCO

SI ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with