^

Bansa

Marcos sa ASEAN: ‘Travel forward together’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Pormal nang binuksan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 49th ASEAN Summit and Related Summits at hinikayat ang mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na sama-samang hara­pin ang mga hamon at isulong ang kaunlaran ng rehiyon sa ilalim ng temang “Travel Forward Together.”

Sinalubong nina Pa­ngulong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos ang mga lider ng iba’t ibang bansa sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, kung saan ginaganap ang summit na hino-host ng Pilipinas.

Sa kanyang opening speech, sinabi ng Pangulo na nananatiling nagkakaisa ang 11 bansang kasapi ng ASEAN sa kabila ng pagkakaiba sa laki ng teritoryo, kasaysayan, kultura at antas ng pag-unlad.

Ayon kay Marcos, nagtipon ang mga lider bilang magkakapantay na bansa, dala ang pag-asa ng kani-kanilang mamamayan at ang iisang hangaring maisakatuparan ang mga ito sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng balangay, ang sinaunang sasakyang-pandagat ng mga Pilipino na tampok sa logo ng summit, bilang simbolo ng pagkakaisa, pagtutulungan at sama-samang paglalakbay ng mga bansang kasapi ng ASEAN.

Tinukoy rin ng ­Pangulo ang mga hamong kinahaharap ng rehiyon kabilang ang tumitinding geopolitical tensions, kawalang-katiyakan sa ekonomiya, mabilis na pag-unlad ng mga bagong teknolohiya, climate change, at iba pang transnational threats.

Sa kabila nito, sinabi ni Marcos na ipinakita ng mga lider ng ASEAN ang kanilang pagkakaisa sa pagdalo sa summit upang sama-samang tugunan ang mga hamon at bumuo ng mas matatag na kinabukasan para sa rehiyon.

Binanggit din niya ang epekto ng krisis sa Middle East, partikular ang pangamba sa suplay ng langis, na patuloy na nagdudulot ng hamon sa iba’t ibang bansa.

Aniya, sa halip na pahinain ng mga natu­rang krisis ang rehiyon, lalo nitong pinagtibay ang pangangailangan ng kooperasyon sa hanay ng mga kasaping bansa.

“When national capacities are tested, regional strength reinforces,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Iginiit niya na walang iisang bansa ang nagtataglay ng lahat ng kakayahan at solus­yon, kaya mahalaga ang pagtutulungan upang mapanatili ang katatagan, seguridad at kaunlaran ng buong ASEAN.

ASEAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with