^

Bansa

Gasolina irarasyon!

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ng Department of Energy (DOE) na may posibilidad na irasyon o hati-hatiin upang mapatagal ang gasolina sa mga istasyon kapag dumating ang panahon na magkaroon ng kakapusan sa suplay ng krudo na nabibili sa internasyunal na merkado sa gitna na rin ng gulo sa mga bansang pinagkukunan ng langis gaya ng Libya.

Sinabi ng DOE na ire­repaso nila ang suplay ng petrolyo sa oras na sumapit ang kakulangan sa nadi-deliber na krudo upang mapahaba ito.  Inihalimbawas ng ahensya na kung bababa ng 20% ang makukuhang suplay ng langis, kanilang eestimahin ang ilalabas sa merkado sa lokal na pamilihan at ipapamahagi sa mga gas stations.

Kasunod ito ng kautusan ng DOE sa mga kum­panya ng langis na magtaas na ng kanilang imbentaryo o “buffer stock” kasabay ng pangamba ng kakapusan sa langis dahil sa patuloy na kaguluhan sa mga bansang producer ng krudo.

Sa mga malalaking kumpanya, kailangang tumagal ng hanggang isang buwan ang kanilang imbentaryo habang sa mga maliliit na oil players ay kailangang tatagal naman ito ng 15 araw.

Hindi naman problema sa miyembro ng “Big 3” na Filipinas Shell ang kautusan ng DOE dahil sa lagpas pa umano sa hinihiling ng ahensya ang kanilang buffer stock. 

Baligtad naman ang reaksyon ng mga maliliit na oil pla­yers na nagreklamo na baka malugi sila sa oras na biglang magnormal ang sitwasyon sa Gitnang Silangan at maiwan sa kanila ang sobra-sobrang suplay na nabili nila sa mahal na halaga.

Pinayuhan naman ng DOE ang mga motorista sa bansa ng ibayong magtipid sa paggamit ng gasolina sa pamamagitan ng “car pooling”, pag-convert sa kanilang makina sa “LPG”, habang tinututukan rin umano ang pagpapalakas sa paggamit ng electric cars, bio-fuels at iba pang alternatibong pamalit sa gasolina.

Aminado naman ang Malacanang na wala itong kakayahang i-subsidize ang oil industry tulad ng ginawa ng Marcos regime bilang tulong sa mga oil consumers.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigal Valte, malaking pondo ang kakailanganin ng gobyerno upang ma-subsidize ng gobyerno ang oil industry.

Maging ang mga bansang nagpapatupad ng subsidy sa kanilang oil industry ay unti-unti na rin anyang inaalis ang kanilang subsidy dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilhan.

Upang magawa ng gobyerno ang pag-subsidy sa oil industry ay kailangan ang $2 bilyon pondo para rito na hindi kaya dahil na rin sa kakulangan ng resources. (Dagdag ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AMINADO

DEPARTMENT OF ENERGY

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAL VALTE

FILIPINAS SHELL

GITNANG SILANGAN

KANILANG

OIL

RUDY ANDAL

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with