^

Bansa

Coco oil tatamaan sa pagbasura sa LLRP

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines –  Posibleng ang coconut oil industry ang unang tamaan kapag bumuwelta ang 27 member-countries ng European Union (EU) sa pagbasura ng P18.7-bilyong Laguna Lake Rehabilitation Program (LLRP).

Lumutang ang posibilidad na ito matapos ang mga ulat mula sa Brussels na nagsasaad na ang Belgian foreign ministry ay ipinatatawag ang Philippine ambassador upang magpaliwanag sa pagkakabasura ng proyekto.

Ang Belgium ang kasalukuyang pangulo ng EU.

Ang EU ang pinakamalaking importer ng coconut oil, na mahigpit na kinukumpetensya ng palm kernel oil, rapeseed oil, canola oil at iba pang uri ng vegetable oil mula sa mga kakumpetensyang bansa.

Kinansela din ni Pangulong Aquino ang pagbisita sa Belgium para sa assembly ng EU ministers at ang kanilang mga counterparts mula sa Association of Southeast Nations (ASEAN) ilang buwan na ang nakalilipas at pagkatapos ay nagsalita laban sa LLRP sa kanyang talumpati para sa kanyang unang 100 araw sa Malacanang.

Batay sa mga ulat sa Palasyo, sinabihan umano ang Pangulo na ang kalakalan sa mga EU countries ay “minimal” at ang iba pang heads of state ay hindi dadalo sa Brussels meeting.

Ipinanukala ang LLRP ng Baggerwerken Decloedt En Zoon (BDC) sa DENR bilang bahagi ng mas malaking programa upang mabawasan ang pagbaha sa National Capital Region (NCR) at mga lalawigan ng Rizal at Laguna, buhayin ang naghihingalong lawa at payabungin ang pangisdaan dito at makapagtatag ng mass transport system.

vuukle comment

ANG BELGIUM

ASSOCIATION OF SOUTHEAST NATIONS

BAGGERWERKEN DECLOEDT EN ZOON

BATAY

EUROPEAN UNION

IPINANUKALA

KINANSELA

LAGUNA LAKE REHABILITATION PROGRAM

NATIONAL CAPITAL REGION

PANGULONG AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with