^

Bansa

Querubin, tumatabo ng suporta

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Patuloy na lumalakas ngayon ang kandidatura ng nakakulong na kandidatong senador na si Col. Ariel Querubin matapos tumabo ng suporta mula sa malalaking organisasyon kabilang ang pangunguna sa ilang national survey ng Manila Broadcasting Corporation kamakailan.

Pinakahuling nagbigay ng suporta kay Querubin ang Ang Chinoy Party List, ang magiging kinatawan ng komunidad ng mga Filipino-Chinese sa bansa sa isinagawang simpleng seremonya nitong Lunes sa Binondo, Maynila.

Nitong nakaraang Abril 30, buong suporta ang ibi­nigay ng Araro Party List at Guardians Brotherhood Inc. kay Querubin sa ginanap na Kongreso ng samahan sa Aberdeen Court, Quezon City.

“Buong puso akong nagpapasalamat sa Guardians at Araro Party List sa suportang ibinigay ninyo sa akin. Hayaan ninyo, hindi kayo mabibigo sa inyong suporta dahil ipinaglalaban ko ang kapakanan at kagalingan ng mamamayan higit sa lahat,” giit ni Querubin.  

vuukle comment

ABERDEEN COURT

ABRIL

ANG CHINOY PARTY LIST

ARARO PARTY LIST

ARIEL QUERUBIN

BINONDO

GUARDIANS BROTHERHOOD INC

MANILA BROADCASTING CORPORATION

QUERUBIN

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with