^

Bansa

CBCP nababahala sa military deployment sa Metro Manila

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pag­kabahala ang mataas na opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) hinggil sa planong pagpapakalat ng militar sa Kalakhang Maynila bago isagawa ang  May 10 elections.

Ayon kay CBCP Committee on Public Affairs chairman Bishop Deogracias Iniguez, ang planong ito ay indikasyon na may magaganap na hindi inaasahang sitwasyon sa halalan.

Aniya, nakakatakot ang planong ito dahil binibigyan nito ng sen­yales ang publiko na may mangyayaring hindi inaasahan.

Giit ni Iniguez, hindi umano dapat na isagawa pa ng military ang pagpapatrulya dahil mas tinatakot nito ang publiko.

Nauna nang ibinunyag ng National Capital Regional Command ng Armed Forces of the Philippines na may balak silang magpa­kalat ng kanilang mga tauhan sa mga critical areas sa Metro Manila.

Ayon kay NCRC-AFP Chief, Rear Admiral Feliciano Angue, tinatayang dalawang batalyon ng “peacekeeping troops” ang ipakakalat sa MM bilang bahagi ng pagpapaigting ng kanilang  seguridad sa halalan sa Mayo.

Kabilang sa mga isasailalim sa pagpa­patrulya ang Makati at Maynila matapos na irekomendang ilagay sa Comelec control bunga ng mga reported election-related violence.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BISHOP DEOGRACIAS INIGUEZ

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

KALAKHANG MAYNILA

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL COMMAND

PUBLIC AFFAIRS

REAR ADMIRAL FELICIANO ANGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with