^

Bansa

Red tide lalawak ang pinsala sa El Niño

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Higit na lalawak ang pinsala ng lason ng red tide sa mga karagatan sa bansa sa panahon ng tagtuyot o El Nino phenomenon.

Ito ang sinabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) director Malcom Sarmiento dahil kapag mainit ang karagatan, masustansiya ang tubig-dagat at dadami ang dino-flagellates na isang organismo na nagdadala ng lason ng red tide sa mga shellfish tulad ng tahong, talaba, halaan at iba pa.

Bunsod nito, pinayuhan ni Sarmiento ang publiko na iwasang ku­main ng shellfish na hinango mula sa karaga­tan na may lason ng red tide sa Bolinao, Anda, Alaminos, Masinloc at Palauig Zambales gayundin ang Sorsogon bay sa Sorsogon, Dumanguillas bay sa Zamboanga del Sur, Bislig bay sa Bislig, Surigao del Sur, Murcielagos bay Zamboanga del Norte at Misamis Occidental.

Sinasabing infected na rin umano ng red tide ang karagatan ng Cavite, Las Pinas, Paranaque, Navotas, Bulacan at Bataan sa Manila bay.

Ang pagkain ng shellfish na may lason ng red tide ay nakakamatay.

Sa una ay mangangati ang labi at dila ng kumain nito kalaunan ay makati ang kamay at paa at mawawalan na ng kontrol ang mga braso at hita hanggang sa mahirapan na itong huminga na magiging ugat ng maagang kamatayan.

Ligtas namang kainin ang isda, pusit, alimasag at hipon muna sa nabanggit na mga lugar pero kailangang linising mabuti.

vuukle comment

BISLIG

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

EL NINO

LAS PINAS

MALCOM SARMIENTO

MISAMIS OCCIDENTAL

PALAUIG ZAMBALES

SORSOGON

ZAMBOANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with