^

Bansa

Bago makipag-peace talk, 14 lider ng CPP-NPA pakawalan muna! - Joma

-

MANILA, Philippines - Haharap lamang sa napagkasunduang pagpa­ pa­tuloy muli ng peace talks ang Communist Party of the Philippines–New Peo­ple’s Army(CPP-NPA) sa pamahalaan kung palala­yain ang mga nakaku­ long nilang lider komu­nista.

Ito ang inihayag kaha­ pon ni Jose Maria Sison, nakabase sa Netherlands, founder ng CPP na ipinoste sa website ng komunistang grupo na http//www.philip­pinerevolution.net.

Sinabi ni Sison na ma­hirap para sa kanilang gru­po na muling humarap sa negotiating panel ng GRP kaugnay ng isinusulong na panunumbalik muli ng peace talks hanggang hindi pinalalaya ng gobyerno ang may 14 pang senior leaders ng kanilang grupo na nakapiit sa samutsaring mga kaso.

“The formal resumption of talks cannot be held in August and probably can never be held in the remaining months of the Arroyo regime, unless they are freed,“ ani Sison sa ka­nilang website.

Kabilang sa mga lider komunista na hinihirit ni Sison na mapalaya sina Danilo Borjal, Randall Echanis, Vicente Ladlad, Rafael Baylosis at iba pa.

Sinabi ni Sison na ang 14 senior leaders ng CPP-NPA na nakapiit ay pawang mga consultants at kabi­lang sa 96 opisyal ng kani­lang grupo na pinangakuan ng gobyernong mabibigyan ng immunity sa pagkaka­aresto na napagkasunduan noong Hulyo sa pagitan ng magkabilang panig.

Magugunita na nasus­pinde ang peace talks ng GRP peace panel at ng CPP-NPA noong 2005 matapos na tumanggi ang gobyerno na ipaalis sa United States at 15 member states ng European Union ang terror tag laban sa NPA, ang armed wing ng CPP. (Joy Cantos)

vuukle comment

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

DANILO BORJAL

EUROPEAN UNION

JOSE MARIA SISON

JOY CANTOS

NEW PEO

RAFAEL BAYLOSIS

RANDALL ECHANIS

SHY

SISON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with