^

Bansa

Pinay tumalon sa gusali sa Saudi

-

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang Pi­nay domestic helper mata­pos na tumalon sa isang tat­ long palapag na gusali sa Yan­bu, Saudi Arabia, sa pag­nanais na matakasan ang umano’y abusado nitong amo.

Kinilala ng Department of Foreign Affairs ang Pinay na si Guiyania Kasan, 29, at tubong Cotabato City. Ka­salukuyan itong naka-confine sa hindi tinukoy na pa­gamutan sa Yanbu, ma­ta­pos na mabalian ng buto sa paa at sa likod dahil sa pagtalon sa gusali.

Sa reklamo ni Kasan, madalas umano siyang sak­tan ng kanyang mga amo at hindi pinapakain kaya tuma­kas siya sa pa­mamagitan ng pagtalon sa gusali.

Yakap-yakap umano ni Kasan sa kanyang pagta­lon ang isang plastic bag na nag­lalaman ng11,000 Saudi Riyals o may P150,000.

Anya, ang naturang pera ay ibinigay sa kanya ng kanyang among lalaki bi­lang sweldo, ngunit hindi pa aniya ito ang kanyang ka­buuang sahod.

Inaaku­sa­han din ng kanyang mga amo si Kasan na nagnakaw ng alahas mula sa kanila, na mariin naman nitong pi­na­bula­anan.

Sabi ni Kasan, ibinigay sa kanya ng kanyang among babae ang natu­rang kuwintas ngunit nga­yon ay pinapalabas ng mga ito na ninakaw niya iyon.

Nakaabot na rin umano sa Philippine Consulate ang kalagayan ni Kasan at ang mga ito na umano ang ba­halang makipag-ugna­yan sa mga awtoridad upang mabigyan ng hus­tisya ang sinapit ng Pinay. (Mer Layson)


vuukle comment

COTABATO CITY

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GUIYANIA KASAN

KASAN

MER LAYSON

PHILIPPINE CONSULATE

PINAY

SAUDI ARABIA

SAUDI RIYALS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with