^

Bansa

Vagni inabandona

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines – Inabandona na ng Abu Sayyaf ang maysakit na bihag nilang Italyanong si Eugenio Vagni dahil sa takot na maabutan sila ng mga puwersa ng pama­halaan na tumutugis sa kanila sa Sulu.

Sinabi kahapon ni Department of Interior and Local Government Under­secretary for Media Affairs Bryan Yamsuan sa isang pa­ nayam sa telepono na nakatanggap sila ng im­pormasyon na iniwan na ng mga bandido si Vagni ma­tapos maka-engku­wentro ng Abu Sayyaf ang mga tauhan ng pulisya at civilian emergency forces sa Barangay Mahala, Ta­lipao, Sulu noong Miyer­kules.

Lumitaw ang naturang impormasyon nang mag­tungo sa Sulu sina Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa at DILG Secretary Ronaldo Puno para tignan ang sitwasyon.

Kasabay nito, nagpa­labas ng P500,000 gan­timpala ang PNP para sa sinumang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa kinaro­roonan ni Vagni, 62 anyos.

Kabilang si Vagni sa tatlong kagawad ng International Committee of the Red Cross na dinukot ng Abu Sayyaf sa Sulu noong Enero. Naunang nasagip ng militar ang mga kasama niyang sina Jean Lacaba at Andreas Notter.

Kasabay nito, pina­ya­gan na ng ICRC Crisis Ma­nagement Committee na pinangunguluhan ni Sulu Gov. Abdusakur Tan ang puwersa ng pa­maha­laan na simulan ang ope­ras­yon para sagipin si Vagni.

Kabilang sa mag­sasa­gawa ng rescue ope­ration ang Philippine Marines, PNP, commandos ng Special Action Forces, CEF, at Light Reaction Team ng Philippine Army.

Sinabi ni Tan na puma­yag na sila sa rescue operation dahil wala na silang mapagpipilian pa. Habang nagtatagal ang mga araw ay patuloy na gumagrabe ang kalagayan ni Vagni na may sakit na hernia o luslos.

Bukod dito ay duma­ranas rin ng hypertension si Vagni, hindi na maka­lakad kung saan binubuhat na lamang ito ng tina­tayang nasa 50 miyembro ng grupo ni Parad sa kagubatan ng Indanan.


vuukle comment

ABDUSAKUR TAN

ABU SAYYAF

ANDREAS NOTTER

BARANGAY MAHALA

CRISIS MA

EUGENIO VAGNI

INTERNATIONAL COMMITTEE OF THE RED CROSS

SHY

VAGNI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with