^

Bansa

Miriam goodbye na sa politics?

-

MANILA, Philippines - Wala na umanong gana si Senator Miriam Defensor-Santiago na tumakbo pang muli bilang senador sa susunod na taon kahit pa isinama siya sa senatorial line-up ni dating Pa­ngulong Joseph Estrada.

Ikinokonsidera umano ni Santiago ang kalagayan ng kanyang kalusugan dahil mayroon siyang chro­nic fatigue syndrome kaya nawawalan na ito ng gana na kumandidato.

Hindi na rin umano ma­halaga kay Santiago kung ano pang ticket siya tatakbo sakaling kumandi­dato dahil wala na rin siyang nakiki­tang pagkakaiba sa mga ipinagla­labang ideolohiya.

Hindi na rin umano uma­asa si Santiago na magiging presidente pa siya ng bansa taliwas sa kanyang naramdaman nang tumakbo siya sa presidential elections noong 1992.

Sinabi pa ni Santiago na posibleng i-pratice na lamang nya ang kanyang propesyon bilang abogado sakaling mamahinga na sa pulitika. (Malou Escudero)

vuukle comment

IKINOKONSIDERA

JOSEPH ESTRADA

KANYANG

MALOU ESCUDERO

RIN

SANTIAGO

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SHY

SINABI

SIYA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with