^

Bansa

Sinibak na governor naghabol

-

Hiniling kahapon sa Court of Appeals ni Ba­taan Governor Enrique “Tet” Garcia na pigilan ang pagpapatupad sa isang kautusan ng Ombudsman na nagsusus­pinde sa kanya sa kan­yang posisyon kaugnay sa kasong plunder at graft na isinampa laban sa kanya.

Base sa 29-pahinang petition for certiorari na ini­hain ng abogado ni Gar­cia na si Atty. Emi­liano Pomer, hiniling nito ang pagpapalabas ng temporary restraining order para mapigil ang kan­yang suspension order at mga kasama nito.

Si Garcia at 19 pa nitong kasama ay sinam­pahan ng kasong plunder at graft noong Enero da­hil sa umano’y illegal na pagkumpiska at pagbe­benta ng P120 milyon ha­laga ng mga ari-arian ng naluging Sunrise Paper Product Industries Inc..

Sinabi ni Garcia na naghihiganti lang si Ombudsman Merceditas Gu­tierrez dahil sa pagkatalo ng kapatid nito sa mayoralty election sa Samal, Bataan noong 2007 election.

Sa kasalukuyan, nag­sasagawa ng vigil sa kapitolyo ng Bataan ang mga tagasuporta ni Gar­cia.Iginiit niya na hindi siya bababa sa puwesto kung walang TRO mula sa CA. (Gemma Amargo-Garcia at Jonie Capalaran)

vuukle comment

COURT OF APPEALS

EMI

ENERO

GARCIA

GEMMA AMARGO-GARCIA

GOVERNOR ENRIQUE

JONIE CAPALARAN

OMBUDSMAN MERCEDITAS GU

SHY

SI GARCIA

SUNRISE PAPER PRODUCT INDUSTRIES INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with