^

Bansa

Verzosa kapalit ni Razon

-

Itinalaga ni Pangu­long Gloria Macapa­gal-Arroyo bilang ka­palit ni outgoing Philippine National Police Chief Director-General Avelino Razon Jr. si PNP Deputy Director-General Jesus Ver­zosa.

Inianunsiyo ng Pa­ngulo ang pagtatalaga kay Verzosa kamaka­lawa ng gabi bago ito tu­mulak patungong Esta­dos Unidos upang du­malo sa United Nations General Assembly.

Mismong si Pangu­long Arroyo ang ma­ngu­nguna sa paglilipat ng tungkulin kay Ver­zosa sa pagbabalik niya sa ban­sa sa Set­yembre 27.

Nakatakdang mag­re­tiro si Razon sa kan­yang ika-56 kaarawan sa Sep­tember 29 bi­lang hepe ng PNP at ili­lipat nito ang tungkulin kay Verzosa sa isang sere­monya sa September 27.

Si Verzosa ay mi­yem­bro ng PMA Class 1976 at nagsilbi bilang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group. Nakatakda itong magretiro sa Disyembre 25, 2010.

Si Verzosa ang pang-15 PNP chief at naging aktibista sa panahon ng rehimeng Marcos.

Nagpahayag kaha­pon si Verzosa ng pa­sasalamat sa Pa­ngulo at nangako siya na hindi niya bibiguin ang pagtiti­wala nito sa kanya.

Ayon kay Verzosa, kay Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno niya nala­man ang magan­dang balita.

Kilala rin si Verzosa bilang reform manager ng PNP dahilan siya rin ang Executive Director ng PNP Program Management Office na siyang pangunahing nagsusuperbisa sa ipi­natutupad na Integrated Transformation Program.

Inihabilin ni Razon kay Verzosa na ipag­patuloy ang magan­dang imahe ng Ma­mang Pulis.

Sinabi ni Razon na handa na siya sa ka­niyang buhay sibilyan kung saan matapos siyang magretiro ay magbabakasyon muna siya sa piling ng kani­yang pamilya kung saan ay bukas siya sa pani­bagong posisyon sa gob­yerno upang ma­ipag­patuloy pa ang ser­bisyo sa mamamayan. (Rudy Andal at Joy Cantos)

vuukle comment

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPUTY DIRECTOR-GENERAL JESUS VER

EXECUTIVE DIRECTOR

GLORIA MACAPA

INTEGRATED TRANSFORMATION PROGRAM

RAZON

SHY

SI VERZOSA

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with