^

Bansa

Katawan ng C-130 nakita na

-

Natagpuan na kahapon ng US Navy ship McDonnel ang ’katawan’ nang bumagsak na C-130 Hercules plane ng Philippine Air Force sa malalim na bahagi ng Davao Gulf.

Sa ulat ni Capt. Arnel Gonzales, pinuno ng binuong Task Force Hercules, natunton na ang halos buong katawan ng C-130 sa karagatan na may 426 ft. o talampakang lalim at may layong 1.3 nautical miles sa silangang bahagi ng Brgy. Bukana sa Davao.

Sinabi ni Gonzales na hindi kakayanin ng mga divers mula sa search and retrieval team ang pagsisid sa nabanggit na lalim dahil hanggang 200 ft. lamang anya ang kayang sisirin ng mga divers.

Dahil dito, kumikilos na ang pamunuan ng PAF upang makahanap ng isang kumpanya na maka­kapag-ahon sa naturang eroplano. (Ellen Fernando)

vuukle comment

ARNEL GONZALES

BRGY

BUKANA

CAPT

DAHIL

DAVAO

DAVAO GULF

ELLEN FERNANDO

PHILIPPINE AIR FORCE

TASK FORCE HERCULES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with