^

Bansa

Kongreso kinalampag sa budget ng BI

-

Nanawagan kahapon sa Kongreso si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Marcelino Libanan na kaagad aprubahan ang budget na nakalaan para sa pagpapatayo ng gusali ng kagawaran.

Inihayag ni Libanan ang kanyang panawagan kasabay ng pagpapasa­lamat nito sa rank and file employee ng BI dahilan sa umanoy patuloy na suporta ng mga ito sa gitna ng kanyang dinanas na kontrobesiya ng mga nakaraang araw.

Partikular na tinukoy ni Libanan ang pagsuporta sa kanya ng mga opisyal ng Buklod ng mga Kawani ng BI (Buklod-BI) na siyang nagpapatupad ng reporma at katulong siya sa paglaban sa corruption sa loob ng kagawaran.

Nangako din si Liba­nan na kanyang ipag­papatuloy ang pagbibigay ng mga benepisyo at non-wage benefits sa mga empleyado ng BI.

Sisiguraduhin din umano nito na tatapusin ang konstruksyon ng bagong gusali ng BI sa nabili nilang lote na ma­tatagpuan sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Ave. sa Pasay City.

Umaasa umano si­yang  aaprubahan ng Kongreso ang pondo para sa  pagpapagawa  ng bago at modernong gusali ng BI. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

BUKLOD

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

DIOSDADO MACAPAGAL AVE

GEMMA AMARGO-GARCIA

KONGRESO

LIBANAN

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with