^

Bansa

Pulis, sundalo kinampihan ng CA

-

Mistulang nasaklo­ lohan ng Court of Appeals (CA) ang mga pulis at sundalong kabilang sa isa sa pinakama­la­king savings at loan association sa Pilipinas matapos pigilan nito ang “tug of war” na nagaga­nap sa pagitan ng dala­wang grupo na nais pa­munuan ang nasabing samahan.

Ito’y nang mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) ang CA na humarang sa reinstatement ng grupo ni retired Police Col. Luvin Manay para siyang bumuo ng board of trustees ng Air Material Wing Savings and Loan Association Inc. (AMWSLAI).

Ang AMWSLAI ay sinasabing pangalawa sa pinakamalaking savings association na binubuo ng 230,000 miyembro na pawang aktibo at retiradong opisyal ng AFP at PNP.

Ayon sa mga miyem­bro na kumakatawan sa AMWSLAI Retirees Association, nararapat la­mang na tuluyan nang harangin na makaupo ang kampo ni Manay at nakahanda silang ilaban sa korte ang merito ng kanilang kaso.

Iginiit pa ng mga ito na nakabuti ang TRO na inilabas ng CA dahil na­pahupa nito ang kalitu­hang namamayani sa mga miyembro at ma­ging sa operasyon ng kanilang asosasyon.

Sa nabanggit na ruling ng CA sa panulat ni Justice Lucas Bersamin ay naharang ang na­unang kautusan ni Pa­say City Judge Jesus Mupas sa pagpapa­tu­pad ng resolusyon na nagpapahintulot sa gru­po ni Manay para ma­ upo sa board ng sama­han.

Iginiit naman ng mga petitioner na kung ma­ tutuloy ang reinstatement ay masasagasaan ang kanilang karapatan para sa due process.

Sa kasalukuyan ay nakaupong  board of trustees sina Ricardo L. Nolasco, Jr., chairman at pangulo; Thaddeus P. Estalilla, vice chairman; Cedric V. Reyes, secretary at trustee;  Domingo E. Dimapilis, Jr., treasurer at trustee; Odelon C. Mendoza; auditor at trustee habang ang iba pang miyembro ay sina Antonio S. Gumba, Ismael A. Abad, Rolando S. Cacabelos, Cesar S. Toledanes,  Morado O. Mercado,  at Ricardo P. Perido. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

AIR MATERIAL WING SAVINGS AND LOAN ASSOCIATION INC

ANTONIO S

CEDRIC V

CESAR S

CITY JUDGE JESUS MUPAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with