^

Bansa

Pinay sa Singapore kinasuhan

-

Nahaharap ngayon sa dalawang taong pagka­kakulong ang isang Pinay domestic helper sa Singapore matapos mabali ang kamay ng inaalagaan niyang 1-taong gulang na bata.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Department of Foreign Affairs, kinasuhan ng kanyang mga amo ang Pinay na si Karen Jimenez, 27 anyos. 

Si Jimenez umano ang dahilan ng pagkabali ng kanang kamay ng kanilang anak ng pabigla nitong dam­putin ang paslit mula sa kanyang baby seat carrier. Inakusahan din si Jimenez ng madalas na pangungurot sa kanilang anak.

Dahil sa pagsasampa ng kaso sa korte, kinumpiska ng mga awtoridad ang pasaporte ni Jimenez habang inihahanda ang kanyang pre-trial conference sa darating na Agosto 7. 

Sakaling mapatunayang guilty, 2-taong kulong ang kakaharapin ni Jimenez at pagbabayad ng 1,000 Singa­pore dollars. (Joy Cantos)

vuukle comment

AGOSTO

DAHIL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JIMENEZ

JOY CANTOS

KAREN JIMENEZ

PINAY

SI JIMENEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with