^

Rod Strunk nag-suicide!

- Edwin Balasa, Ludy Bermudo () - July 15, 2007 - 12:00am

Mistulang mababaon na rin sa hukay ang kaso ng pagpaslang sa bete­ranang aktres na si Nida Blanca matapos magpa­kamatay ang dati nitong asawang si Roger “Rod” Lauren Strunk, 68.

Sa report ng local na pahayagang Tracy Press sa California, USA, tuma­lon si Strunk sa second floor ng balkonahe ng kanyang kuwarto sa Tracy Inn sa California nitong Miyerkules.

Ayon sa pulisya, bu­magsak si Strunk sa parking lot una ang ulo, kung saan natagpuan siya ng isang babae na duguang nakahandusay at wala ng buhay bandang 11:30 ng umaga.

Gayunman, inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI)-Interpol at Department of Justice (DOJ) na wala pa silang natatanggap na ulat hinggil sa insidente na sa TV at internet lamang anila naglabasan. 

Maging ang anak ni Nida na si Kaye Torres ay tumangging magbigay ng komento hangga’t hindi pa nila nakukumpirma ang ulat.

Matatandaang idinawit si Strunk ng isa pang aku­sadong si Philip Medel, na siya umanong mastermind sa pagpatay sa aktres noong Nobyembre 2001 sa Atlanta building, Pasig. Si Medel ay kasalukuyang nakapiit sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan,Taguig. 

Napunta sa US si Strunk matapos payagan ng DOJ na makadalaw sa kanyang inang si Helen Strunk na may malubhang karamdaman noong 2002 at hindi na bumalik pa sa Pilipinas. 

Noong Mayo 2003 ay inaresto si Strunk ng mga ahente ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa bahay nito at ipiniit sa Sacramento County Jail ha­bang dinidinig ang extradition case laban dito.

Subalit noong Nobyem­bre ay pinalaya si Strunk matapos mabigo ang prosecutor ng gobyerno ng Pilipinas na magbigay ng karagdagang ebidensya na magdidiin dito laban sa kinakaharap na kaso.  

Ang kasong murder laban kina Medel at Strunk ay kasalukuyang dinidinig sa Pasig Regional Trial Court (RTC).

Sinabi naman ni Justice Secretary Raul Gonzalez na ‘moot and academic’ na ang lahat dahil mawawalan na rin ng saysay ang ika-2 extradition case na inihain ng DOJ laban kay Strunk at maging ang kasong murder na isinampa laban sa kaniya.

“Now that he’s dead, his extradition [and] murder case are already moot and  academic,” ani Gonzalez.

Ayon naman sa isang abogado, sakaling nawa­lan man ng saysay ang kaso laban kay Strunk, kasong kriminal lamang ang mababasura subalit ang kasong sibil ay mag­papatuloy sa pamamagitan ng  pagbabayad ng danyos na kukunin sa mga ari-ariang naiwan ni Strunk, sakaling mapatunayang may pananagutan ang nasawi, alinsunod sa Revised Penal Code.

Si Strunk ay nagtatra­baho sa isang Channel 26 bilang camera operator sa Tracy, California bago ito namatay.

Inaalam pa ng mga awtoridad doon kung nagkaroon ng foul play dahil sa pagdududa uma­ no ng kapatid na babae ni Strunk na posibleng hindi nagpatiwakal ang ka­ patid.

AYON CAMP BAGONG DIWA DEPARTMENT OF JUSTICE FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION SHY STRUNK
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with