^

Bansa

GO bantay-sarado sa boto ni Alan, Koko, Trillanes

-

Bantay sarado ngayon ang Genuine Opposition (GO) laban sa posibleng dagdag-bawas operation upang ilaglag sa Magic 12 ang tatlo nilang kandidato na nasa 9, 11 at 12 slot.

Ayon kay GO re-elec­tionist Sen. Panfilo “Ping “ Lacson, dahil sa maraming pagtatangka ng kanilang kalabang kampo na bawa­san ang boto ng kanyang mga kasamahang kandi­dato na sina Alan Peter Cayetano, Antonio Trilla­nes IV at Aquilino “Koko “ Pimentel III ay kailangan ang todong pagbabantay sa canvassing.

Nabatid kay Ping na may 200,000 pang boto ang hindi nabibilang sa Shariff Kabunsuan, ang bagong tatag na lalawigan sa Mindanao kaya kaila­ngan itong maprotektahan para mapunta sa kandi­datong totoong ibinoto ng taumbayan.

Sinabi ni Ping na regular siyang nakikipag-ko­ordinasyon sa kanilang mga kaalyado sa pulitika sa Mindanao para ma­bantayan ang boto nina Alan, Koko at Trillanes.

Sina Pimentel, Trillanes at Cayetano ang mga tinaguriang markadong target para sa huling ope­rasyon ng dagdag bawas operation para tuluyang ilaglag sa Magic 12. (Joy Cantos)

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

ANTONIO TRILLA

GENUINE OPPOSITION

JOY CANTOS

MINDANAO

SHARIFF KABUNSUAN

SHY

SINA PIMENTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with