^

Bansa

M’cañang inaareglo ng P20-M ni Ligot

-
Tinanggihan kahapon ng Malacanang ang alok na P20 milyon ni Lt. General Jacinto Ligot, dating comptroller ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gobyerno kapalit nang pag-uurong ng kaso laban sa kanya at sa kanyang pamilya.

Sa isang press statement, sinabi ni Secretary Ignacio Bunye na walang nagaganap na negosasyon kaugnay sa kaso ng dating heneral.

Sinabi pa ni Bunye na hindi pakikialaman ng Malacañang ang kaso at pababayaan ang pag-usad ng batas.

Si Ligot ay nahaharap sa kasong katiwalian at inaakusahan nang pagnanakaw ng P135.28 milyon sa gobyerno noong comptroller pa siya ng AFP.

Napaulat ang pakikipagnegosasyon ni Ligot sa gobyerno kung saan nag-alok umano ito ng mahigit sa P20 milyon.

Kabilang umano sa mga iniaalok ni Ligot ang isang Toyota Hi-Lux pick-up na nagkakahalaga ng P1.078 milyon, isang Isuzu Elf truck na nagkakahalaga ng P305,000, mga ari-arian sa Bukidnon kabilang na ang isang resthouse at isang building na nagkakahalaga ng P6.715 milyon.

Kasama ni Ligot na nahaharap sa kasong katiwalian ang kanyang asawang si Erlinda. (Malou Escudero)

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BUKIDNON

BUNYE

GENERAL JACINTO LIGOT

ISUZU ELF

LIGOT

MALOU ESCUDERO

SECRETARY IGNACIO BUNYE

SI LIGOT

TOYOTA HI-LUX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with