^

Bansa

Patay sa Ormoc fire, 25 na

-
Umabot na sa 25 ang bilang ng namatay sa nasunog na mall sa Ormoc City, Leyte matapos bawian ng buhay kahapon sa ospital ang isa sa mga malubhang nasugatan.

Kinilala ang biktima na nasawi na si Ma. Theresa Tarrayo, 33. Nabatid na namaga ang baga ni Tarrayo at hindi na kinaya pang huminga. Kritikal pa rin ang 3-anyos na anak nito.

Samantala, nangako naman ang pamunuan ng Unitop mall sa mga pamilya ng mga biktima na sasagutin ang lahat ng gastusin sa pagpapalibing at ospital. Mahigit P100,000 umano ang ipinangakong tulong nito.

Bagaman itinatanggi ng may-ari ng mall na sila’y nagpabaya, pinag-aaralan na ng Bureua of Fire Protection ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo sa Taiwanese trader na si Cheong Yong alyas Kenneth Tan, may-ari ng Unitop, matapos mabatid na nakapadlock ang mga fire exit nito. (Joy Cantos)

vuukle comment

BAGAMAN

BUREUA OF FIRE PROTECTION

CHEONG YONG

JOY CANTOS

KENNETH TAN

KINILALA

KRITIKAL

ORMOC CITY

THERESA TARRAYO

UNITOP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with