Rebel soldiers sinisilip sa bombings
() - June 13, 2006 - 12:00am
Iimbestigahan ng Armed Foces of the Philippines (AFP) ang posibleng pagkakasangkot ng mga rebeldeng sundalo sa serye ng pambobomba sa Metro Manila at ilang lalawigan kamakailan.

Sinabi ni Col. Tristan Kison, public information chief ng AFP, hindi nila inaalis ang posibilidad na sangkot ang mga rebeldeng sundalo sa ginawang pagpapasabog sa Metro Manila, Lipa City sa Batangas at Lubao, Pampanga.

Wika pa ni Col. Kison, hindi pa sila makapagbigay ng kongklusyon sa ngayon kaugnay sa posibleng pagkakasangkot ng mga rebeldeng sundalo sa naganap na mga bombings pero ang nasisiguro nila ay walang aktibong militar ang involve dito.

Samantala, iginiit naman ng PNP na isang bogus ang grupong nagpakilalang Taumbayan at Kawal (Tabak) na umako sa naganap na serye ng pagpapasabog.

Ayon kay Sr. Supt. Samuel Pagdilao, PNP spokesman, nakisawsaw lamang ang grupong Tabak matapos nitong akuin ang responsibilidad sa naganap na mga pagsabog. (Joy Cantos)

ARMED FOCES OF THE PHILIPPINES AYON BATANGAS JOY CANTOS LIPA CITY METRO MANILA SAMUEL PAGDILAO SR. SUPT TABAK TRISTAN KISON
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with