Xmas coup sumingaw!
December 12, 2005 | 12:00am
Anumang oras ay sasabog umano ang ikinasang "December coup" ng nagsanib puwersang mga elemento ng Phil. Marines at PNP-Special Action Forces (PNP-SAF) upang ibagsak ang liderato ni Pangulong Arroyo.
Alas-11 kamakalawa ng gabi ay niyanig ang pulisya at militar ng balitang ilang trucks ng Phil. Marines at PNP - SAF na pawang naka-full battle gear ang pumasok umano sa Metro Manila bilang paghahanda sa iniumang ng mga itong kudeta.
Una nang ibinulgar ni Sen. Miriam Defensor Santiago na may grupo umano sa AFP na nagpaplano ng kudeta ngayong Disyembre samantala sinabi naman ng kampo ni dating Defense secretary Fortunato Abat na balak umano ng administrasyon na paglunsarin ang AFP ng pekeng kudeta para mabigyang katwiran ang plano ng Malacañang na magdeklara ng emergency rule.
Bilang reaksyon, agad namang pinabulaanan ng Philippine Marines at PNP-SAF ang sumingaw na ulat.
Sa isang phone interview, sinabi ni Marine Commandant Major Gen. Renato Miranda na nananatiling solido ang kanilang hanay sa Saligang Batas ng bansa.
"There is no such thing, they always keep on dragging the Phil. Marines, there is no troop movement, our men were all accounted for", ani Miranda.
Kaugnay nito, umapela si Miranda sa mga grupong nagpapakalat na magkukudeta ang Phil. Marines na tigilan na umano sila dahilan mga propesyonal silang sundalo para maligaw ng landas.
Sa panig ng PNP, sinabi naman ni PNP spokesman Chief Supt. Leopoldo Bataoil na walang nagpaplano ng kudeta sa hanay ng PNP-SAF dahil minomonitor ng liderato ng PNP ang mga aktibidad ng kanilang mga tauhan.
Naniniwala si Bataoil na mga grupong kalaban ng administrasyon ang nagpapakalat ng maling balita upang maghasik ng sindak sa mamamayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest