^

Bansa

Tubig maaantala sa Cavite, Caloocan at QC

-
Ilang bahagi ng Cavite ang makakaranas ng pagkaantala ng suplay ng tubig sa loob ng 16 oras, mula 11:00 ng gabi sa Martes, Nobyembre 29, 2005, hanggang 3:00 ng hapon kinabukasan, Miyerkules, Nobyembre 30, 2005.

Ang water service interruption ay magbibigay-daan sa pagdurugtong-dugtong ng bagong gawang crossover pipe sa existing 600mm S.P. mainline sa Zapote bridge na tumatawid sa Zapote Road, Las Piñas-Bacoor boundary.

Ang maaapektuhan ng 16-oras na pagkaantala ng tubig ay ang mga sumusunod:

Sa Bacoor: Bgy. Longos; Bgy. Zapote I, II, III at IV; Bgy. Aniban; Bgy. Aniban II (Tabing-Ilog); Bgy. Talaba I, II, III, IV, V, VI at VII; Bgy. Panapaan I, II, III, IV at V; Bgy. Niog; Bgy. Maliksi I, II at III; Bgy. Kaingin; Bgy. Digmaan; Bgy. Daang Bukid; Bgy. Campo Santo; Bgy. Banalo; Bgy. Alima; Bgy. Tabing Dagat; Bgy. Sineguelasan; Bgy. Dulong Bayan; Bgy. Habay I; Bgy. Mabolo I, II at III; Bgy. Real; Bgy. Salinas I at II.

Sa Imus: Bgy. Palico I, II at III; at Bgy. Medicion.

Makararanas naman ang Bgy. Binakayan sa Kawit ng mahinang daloy o di kaya ay kawalan ng tubig.

Samantala, magkakaroon din sa Martes, Nobyembre 29, mula 10-11 ng umaga, ng mahinang pagdaloy o di kaya ay kawalan ng tubig sa Upper Maligaya, Caloocan, at sa Filinvest II, Bgy. Silangan at matataas na bahagi ng Sacred Heart, Quezon City, dulot ng pagkakabit ng Power Factor Capacitor Bank sa La Mea Booster Pumping Station.

Pinapayuhan ang mga apektadong consumer na mag-imbak ng tubig na tatagal nang 16-oras. Maaari ring tumawag sa Maynilad Water Hotline 1626 o mag-text sa SMART 7001-626 para sa water-rationing schedule.

vuukle comment

ANIBAN

BGY

CAMPO SANTO

DAANG BUKID

DULONG BAYAN

HABAY I

LA MEA BOOSTER PUMPING STATION

LAS PI

MABOLO I

NOBYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with