^

Bansa

PSG sa 2 simbahan: ‘Wag kayong pagamit sa oposisyon

-
Umapela ang Presidential Security Group (PSG) sa dalawang simbahan sa paligid ng Malacañang na huwag silang pagamit sa mga pampulitikang aktibidad na nagkukubli sa pagsisimba.

Sa kanyang liham kay Msgr. Ernesto Cruz, kura paroko ng San Miguel Church, binigyang-diin ni PSG Chief B/Gen. Delfin Bangit na mahigpit na ipinatutupad ng PSG ang ban sa political rallies, pagladlad ng banners, posters at iba pang paraphernalia sa Malacañang complex.

Idinahilan ni Bangit ang misa noong nakalipas na Lunes na dinaluhan ng mga lider ng oposisyon sa nasabing simbahan na naging daan sa pagpapahayag ng mga ito ng kanilang pampulitikang pananaw.

‘"It is with great disappointment that the supposed religious activity turned out to be a display of political sentiment," ani Bangit.

Malinaw anya na pinahintulutan ni Cruz na maganap ito at pinayagan pa ang media na i-cover ang homily ni Fr. Larry Faraon, officiating priest, na may kulay pulitika.

Sa kanya namang liham kay Bangit, sinabi ni Cruz na wala siyang nakitang masama sa naganap na misa noong Lunes dahil may karapatan naman ang grupo ng oposisyon tulad din ng ibang pangkat na gamitin ang simbahan upang makinig ng misa laluna’t iginagalang naman ang patakaran ng simbahan.

Sa isang panayam kahapon matapos ang misa para sa oposisyon sa San Miguel Church, pumalag si Fr. Cruz sa tila pakikialam ng Palasyo sa Simbahan.

Aniya, malinaw na pagsupil sa kalayaan ng pananampalataya ang ginagawang panghihimasok ng Palasyo sa kanyang parokya. (Lilia Tolentino)

vuukle comment

BANGIT

CHIEF B

CRUZ

DELFIN BANGIT

ERNESTO CRUZ

LARRY FARAON

LILIA TOLENTINO

MALACA

PALASYO

SAN MIGUEL CHURCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with