^

Bansa

Claire dela Fuente kinasuhan ng BIR

-
Sinampahan ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ang tinaguriang Karen Carpenters ng Pilipinas na ngayon ay bus operator na si Clarita de Guzman, mas kilala bilang Claire dela Fuente.

Ang dating singer at ang asawa nitong si Moises de Guzman, tumatayong presidente at bise presidente ng Philippine Corinthian Liner Corporation ay ipinagharap ng kaso dahil sa pagkabigo ng mga ito na mairehistro ang kanilang negosyo sa BIR noong 1997 at makapagbayad ng buwis sa pinatatakbong negosyo at kumpanya. Nadiskubre ng BIR na hindi nakapagbayad ng buwis ang nasabing kumpanya ng umaabot sa P78.4 milyon sa taong 2002 at 2004.

Lumalabas na wala ring Tax Identification Number (TIN) ang nasabing kumpanya dahil ang personal TIN ni Claire ang kanilang ginagamit. May mga kinita ang nasabing kumpanya na hindi nito kinaltasan ng buwis at hindi isinumite sa BIR simula noong 1997-2004. (Grace dela Cruz/Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CLARITA

CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

FUENTE

GUZMAN

KAREN CARPENTERS

PHILIPPINE CORINTHIAN LINER CORPORATION

TAX IDENTIFICATION NUMBER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with