30% discount sa senior citizens
- Ni Malou Rongalerios () - August 14, 2005 - 12:00am
Iginiit kahapon ni Sultan Kudarat Rep. Suharto Mangudadatu na taasan ang ibinibigay na discount sa mga senior citizens at gawin itong 30 porsiyento.

Ipinaliwanag ni Mangudadatu na hindi sapat ang 20% natatanggap ng mga senior citizens dahil tumataas na ang presyo ng lahat ng uri ng bilihin at serbisyo.

Sinabi ni Mangudadatu na nag-iba na ang kondisyon ng pamumuhay sa Pilipinas kumpara noong ipasa ang Expanded Senior Citizens Act of 2003 o RA 9257.

Mas pinapalala pa aniya ang lagay ng ekonomiya ng kasalukuyang political crisis na nararanasan ng bansa.

Sa kanyang House Bill 4555, nais ni Mangudadatu na itaas ang discount na ibinibigay sa mga senior citizens, partikular na sa pagbili ng gamot, pagbabayad sa hotel, restaurant, entertainment, amusement, medical, dental at maging sa pamasahe.

Pero sa kasalukuyan, maraming senior citizens na ang nagrereklamo dahil may mga establisimiyentong hindi sumusunod sa ipinatutupad na 20% discounts na dapat ibigay sa kanila.

Kabilang na sa lumalabag sa RA 9257 ang mga botika na hindi nagbibigay ng tamang discount sa mga senior citizens dahil nalulugi na umano sila.

CITIZENS EXPANDED SENIOR CITIZENS ACT HOUSE BILL IGINIIT IPINALIWANAG KABILANG MANGUDADATU SUHARTO MANGUDADATU SULTAN KUDARAT REP
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with