^

Bansa

Luli pumila para kumuha ng visitor’s pass sa Kamara

-
Hindi maiwasan ng ilang taga-House of Representatives na hindi ikumpara si Luli Arroyo sa kanyang kapatid na si Pampanga Rep. Mikey Arroyo o iba pang anak ng mga naging presidente na hindi lumalakad ng walang bodyguard matapos mag-isang pumila ang presidential daughter para kumuha ng visitor’s pass nang magtungo siya sa Kamara noong nakaraang linggo.

Dahil sa walang kasamang bodyguard o alalay, hindi halos nakilala ng ilang miyembro ng Legislative Security Bureau sa North wing ng Kapulungan si Luli habang nakapila sa kuhaan ng visitor’s pass.

Halos lahat ng mga ordinaryong tao na nais makausap ang isang mambabatas ay kumukuha ng vistor’s pass at nagpi-fill-up ng visitor’s slip bago sila papasukin sa alin mang tanggapan sa Kamara.

Mag-iiwan pa sana si Luli ng kanyang ID kapalit ng visitor’s pass nang mapansin siya ng isang Manuel del Pilar, legislative security na nakatalaga sa North wing kaya sinabihan niya ang dalaga na puwede na itong pumasok kahit walang visitor’s ID.

Nagtungo si Luli sa tanggapan ni Zambales Rep. Antonio Diaz, chairman ng House committee on science and technology upang magbigay ng imbitasyon para sa isang programa na may kinalaman sa hawak na komite ng solon na ginanap nitong Peb. 15. Si Diaz ang kongresista na inireklamo ng isang Viva Hot Babe dahil sa sexual harassment. (Malou Rongalerios)

vuukle comment

ANTONIO DIAZ

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KAMARA

LEGISLATIVE SECURITY BUREAU

LULI

LULI ARROYO

MALOU RONGALERIOS

MIKEY ARROYO

PAMPANGA REP

SI DIAZ

VIVA HOT BABE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with