'United Opposition; ni Erap di pipigilan ni GMA
January 16, 2005 | 12:00am
Hindi pipigilan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si dating Pangulong Erap Estrada sa pagbuo ng tinatawag nitong "united opposition" ngayong nakabalik na ito sa bansa.
Ayon kay Press Sec. at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, ang pagbuo ng nagkakaisang oposisyon ay depende sa mga miyembro ng oposisyon.
"Wala tayong kontrol sa oposisyon. Sila-sila ang nag-uusap diyan. Ang masasabi lang natin, kung mangyayari ay mas magaling. That will give the people a basis for comparison sa kasalukuyang administrasyon at iyong ipinanukala ng oposisyon," ani Bunye.
Samantala, nilinaw ng Palasyo na walang kinalaman ang Pangulo sa ginawang pagtatalaga ng 15,000 pulis para sa seguridad ng dating Pangulo.
Sinabi ni Bunye na PNP ang dapat na magpaliwanag sa aktuwal na preparasyon at bilang ng mga pulis para sa seguridad ni Erap. Kasabay nito, sinabi ni Bunye na pawang haka-haka lang ang sinasabing "third force" na nagbabalak na ipalikida si Erap sa pagbabalik nito.
Samantala, isang simpleng salu-salo ang inihanda ng oposisyon sa pagsalubong kay Erap sa rest house nito sa Tanay bilang tugon na rin sa panawagan ng pinatalsik na lider na papatagin ang oposisyon.
Ayon kay Sen. Jinggoy Estrada, natuwa ang kanyang ama sa ginawang sorpresa ng mga oposisyon matapos madatnan ang mga ito sa rest house sa Tanay kung saan ay naghanda ng mga pagkain. (Ulat nina Lilia Tolentino/Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended